Kasaysayan ng Proyekto
Nagsimula ito noong 2012 sa isang ideya: Bakit hindi isaalang-alang muli ang hindi masyadong nagagamit na espasyo sa ilalim ng isang hydro corridor at gawing magagamit ang malawak na damuhan?
Magbibigay-daan ito sa mga residente na umugnay sa kalikasan at tumulong sa sa eco-system ng lungsod. Kaya nagkaroon ng Scarborough Center Butterfly Trail (SCBT).
Ang saklaw ng SCBT ay mula sa Thomson Memorial Park malapit sa McCowan Road at Lawrence Avenue East na may habang 3.25 kilometro hanggang sa Scarborough Golf Club Road.
Bago ang 2011, walong beses na tinatabasan ang 40 hektaryang seksyon ng The Meadoway kada taon, at walang makikitang naninirahang hayop at ibang halaman dito. Ngayon, isa nang luntiang komunidad ang site ng SCBT na kumakalinga sa iba’t ibang klase ng paru-paro, pollinator, ibon, at mga ligaw na bulaklak.
Kasabay ng pagtatagumpay ang pagnanais na makagawa nang higit pa. Pinag-iisipan ng mga visionary sa likod ng proyekto ng SCBT kung maaaring palawigin ang ideya. At naisakatuparan ito, dahil sa malaking suporta ng Weston Family Foundation.
PANGKALAHATANG IDEYA NG THE MEADOWAY
Sa kalaunan, magkakaroon ang The Meadoway para sa paglalakad, pagbibisikleta at iba pang gamit, na posibleng para sa bago at pinahusay na mga pampublikong lugar at lugar ng pagtitipon sa loob at paligid ng hydro corridor.
Sa kasalukuyan, nasa 40 hektarya sa kabuuan ang naisaayos na sa luntiang kapaligiran nito sa loob ng The Meadoway, at humigit-kumulang na 10 kilometro ng mga multi-use na daanan ang naitayo na.
Layunin ngayon na palawigin ang kasalukuyang network ng daanan at ang programang pagsasaayos sa meadow sa buong 16 na kilometrong kahabaan ng The Meadoway.
Isusulong ng pagsasama ng The Meadoway sa mga kapitbahayan, parke, mga pampublikong access point, at iba pang sistema ng trail ang pagiging konektado ng komunidad at paghuhusayin ang network ng mga daanan ng bisikleta sa GTA.
Makakatulong ang pagsasaayos sa kasalukuyang corridor na may tahanan ng iba’t ibang hayop sa urban greenspace ng lungsod at magpapahusay sa ecological diversity.
MGA PRINSIPYO NG PROYEKTONG THE MEADOWAY
Gagabayan ng sumusunod na mga prinsipyo ang pagbabagong-anyo ng hydro corridor para maging The Meadoway:
MGA KONEKSYON |
NATURAL NA KALIKASAN AT PAG-AARAL |
PAGLILIBANG |
TRANSPORTASYON |
KOMUNIDAD AT PAMPUBLIKONG MUNDO |
BLUEPRINT PARA SA PAGPAPASIGLA |